Sunday, March 14, 2010
Finals...
2. Bio Requirement: Compilation
3. Reaction Paper in Filipino
4. Stage Design in Art Ap
5. Chapters 1-4 in Law.
6. Exams in Law
7. Exams in Ethics.
8. 12 Case Analysis in Ethics
9. Exams in Computer 2
10.Missed Class Activities in Computer 2
11. Finals in Euthenics
12. Special Project in Euthenics
Done: 0
To do: 12
Deadlines: Today and Tomorrow
Wednesday, March 10, 2010
Thursday, March 4, 2010
Paghahambing ng mga Sanaysay Noon at Ngayon
Si Bob Ong at ang Bobong Pinoy
Paghahambing ng mga Tula Noon at Ngayon
BIAG NI LAM-ANG (Buhay ni Lam-ang)
Itinala ni Pedro Bukaneg (1640)
Sina Don Juan t Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilan si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila.
Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahy nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan.
Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama.
Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga antng-anting na makapag-bibigay-lakas sa kamiya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito.
Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa sy kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya.
Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglt ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nanagmatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito.
Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang.
Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang igalp, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga.
Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila.
Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid s ilog upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang urinng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto.
Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang putting tandang at abuhing aso.
Ang mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz
Ramon Amancio EstanqueIsang gabing madilim
puno ng pangambang sumakay sa bus
si Juan de la Cruz
pusturang-pustura
kahit walng laman ang bulsa
BAWAL MANIGARILYO BOSS
sabi ng konduktora
at minura
si Juan de la Cruz
Pusturang-pustura
kahit walang laman ang bulsa
nilakad ni Juan de la Cruz
ang buong Avenida
BAWAL PUMARADA DITO
sabi ng kalsada
BAWAL UMIHI DITO
sabi ng bakod
kaya napagod
si Juan de la Cruz
Nang abutan ng gutom
si Juan de la Cruz
tumapat sa Ma Mon Luk
inamoy ang mami siopao lumpia pansit
hanggang sa mabusog.
Nagdaan sa Sine Dalisay
hinitigan ang retrato ni Chichay
PASSES NOT HONORED TODAY
sabi ng takilyera
tawa nang tawa.
Dumalaw sa Kongreso
si Juan de la Cruz
MAG-INGAT SA ASO
sabi ng tiputado.
Nagtuloy sa Malakanyang
wala namang dalang kamanyang
KEEP OFF THE GRASS
sabi ng hardinero
sabi ng sundalo
kay Juan de la Cruz.
Nang dapuan nang libog
si Juan de la Cruz
namasyal sa Culiculi
at nahulog sa pusali
parang espadang balibali
YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED CASH
sabi ng bugaw
sabay higop ng sabaw.
Pusturang-pustura
kahit walang laman ang bulsa
naglibot sa Dewey
si Juan de la Cruz
PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY
sabi ng neon.
Humikab ang dagat na parang leon
masarap sanang tumalon pero
BAWAL MAGTAPON NG BASURA
sabi ng alon.
Nagbalik sa Quiapo
si Juan de la Cruz
at medyo kinakabahan
pumasok sa simbahan
IN GOD WE TRUST
sabi ng obispo
ALL OTHERS PAY CASH.
Nang wala nang malunok
si Juan de la Cruz
dala-dala’y gulok
gula-gulanit na ang damit
wala pa ring laman ang damit
umakyat
Sa Arayat
ang namayat
Na si Juan de la Cruz
WANTED DEAD OR ALIVE
sabi ng PC
at sinisi
ang walang hiyang kabataan
kung bakit sinulsulan
ang isang tahimik na mamamayanna tulad ni Juan de la Cruz
(1985)
Filipino Report
Ako, si Greg, si Rica, si Diana, Si Jennifer, si Rachelle, si Dan, si Sardona, si Engracia. Kami ang mag-uulat tungkol sa panitikan. At tiyak kami ang unang grupo...
Balangkas muna tayo.
I. Introduction
II. Karunungang Bayan
III. Patula
IV. Maikling Kwento
V. Nobela
VI. Sanaysay
VII. Talumpati
VII. Dula
Ang Panitikan ng Pilipinas ay hitik sa kaalaman. Maraming nagsasabi na ano na nangagaya lamang daw tayo mula sa iba. Ngunit kagaya ng ibang sining tulad ng sayaw at musika, mayroon rin tayong sarili o katutubong panitikan.
Mga karunungang bayan na sa una'y maka-relihiyon, para bang gagamitin lamang ay sa loob ng klase o di kaya'y sa isang gathering, ngayon ang mga nariring at nakikita nating karunungang bayan ay nakasabit sa mga tricycle, jeep o kaya nama'y maririnig sa may kanto lang.
Ang mga tula na noon ay ginagamit upang pabagsakin ang mga rehimeng banyagang umaalipin sa atin ay ngayo'y sandata laban sa pamahalaan na pinamumunuan ng kapwa natin Pilipino, ito'y may sa pamatasan lamang o sa gobyerno.
Mga tula na maaari rin gawing awit. Tulang gumagamit ng 'putang ina' o kaya nama'y 'puke'
Ang mga maikling kwento naman ngayon ay katulad ng kay Ricky Lee at ang nobela ay katilad ng deka '70
Ang mga sanaysay ni Bob Ong ay nakakatawa. Ang mga sanaysay noon ay sarkastiko at patama sa prayle.